Nalipasan ng gutom, 7 estudyante sinapian

Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang pitong mag-aaral sa Carcar Central National High School sa Cebu matapos ang mga itong malipasan ng gutom nitong Biyernes ng gabi.

MMDA sinuspinde number coding

Nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspindehin ang number coding ngayong Lunes, Setyembre 26, para mabilis na makapaghatid ng tulong ang mga ahensiya ng gobyerno at iba pang grupo sa mga apektado ng bagyong `Karding’.

Arevalo petmnalu sa round 2

Pasiklab si Abegail ‘Abby’ Arevalo ng dalawang eagle, tatlong birdie laban sa isang bogey para masama sa isa sa dalawa lang na bumira ng six-under par 66 pa-146 upang humabol sa finals sa pagtabla sa walo sa pang-35 puwesto nitong Sabado sa 17th Epson Tour 2022 Leg 19 $225K (P13.2M) 7th Murphy USA El Dorado Shootout sa Mystic Creek Golf Club sa El Dorado, Arkansas.

5 PAF jet fighter sinalubong eroplano ni Marcos

Sinalubong sa himpapawid ng limang jet fighter ng Philippine Air Force (PAF) ang eroplanong sinakyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa Estados Unidos pauwi sa Pilipinas nitong Linggo ng umaga.

PBBM sa Amerika: Mga Pinoy worker da best!

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyanteng nakaharap niya sa Estados Unidos masisipag, edukado at “English-speaking workforce” ng Pilipinas na puwedeng makipagsabayan sa ibang bansa.

Diskarte sa eleksyon baguhin – Tolentino

Nais ni Senador Francisco Tolentino na baguhin ang sistema ng halalan sa bansa sa halip na amiyendahan lamang ang Omnibus Election Code upang makasabay sa makabagong teknolohiya.

KD todo pakilig banat kay Alexa

Iba rin bumanat si KD Estrada kay Alexa Ilacad. Marami ang kinilig sa sinabi niyang “This is a museum and you’re a work of art,” sabay turo sa mukha ng partner.

DepEd order sa bagyo, baha, lindol epektibo na

Epektibo na ang Department Order No. 37 na nagsisilbing gabay sa pagkansela o suspensiyon ng klase at pasok sa mga eskuwelahan kapag may kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindo at matinding pag-ulan, ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa.