WebClick Tracer

SPORTS

Arevalo petmnalu sa round 2

Pasiklab si Abegail ‘Abby’ Arevalo ng dalawang eagle, tatlong birdie laban sa isang bogey para masama sa isa sa dalawa lang na bumira ng six-under par 66 sa 146 upang humabol sa finals sa pagtabla sa walo sa pang-35 puwesto.

Sa penultimate play ito nitong Sabado ng 17th Epson Tour 2022 Leg 19 $225K (P13.2M) 7th Murphy USA El Dorado Shootout sa Mystic Creek Golf Club sa El Dorado, Arkansas kung saan lidersi Kiira Riihijarvi ng Finland (66-135) na may dalawang palong lamang kay Korean Jiwon Jion (67).

Abante rin sa finals ang dalawa pang bet ng ‘Pinas na sina Clarissmon Guce na may 69-141 sa paghanay sa pangsiyam at kakuwadra ni Arevalo sa ICTSI (International Containter Terminal Services, Inc) Dottie Ardina kasalo sa pang-16 sa 143 tapos ng 73.

Sablay si Pauline Beatriz Del Rosario na tumabla sa pang-88 sa 81-54.(Ramil Cruz)

TELETABLOID