WebClick Tracer

SPORTS

Floyd dinispatsa si Asakura

‘Di pa kinakalawang.

Numero lang ang edad para kay retired five-division world men’s pro boxing champ Floyd Mayweather Jr. nang ipamalas muli ang kakayahan upang patulugin si local bet Mikuru Asakura sa isang boxing exhibition bout sa Saitama, Japan Linggo.

Sa edad na 45 pinakita ng Amerikano ang tindi pa ng mga kamao nang sa dalawang round lang at kanang suntok ang nagpatimbuang sa dating mixed martial artist na Hapones para maolats via knockout.

Saksi sa laban si eight-division world boxing king Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na nakasagutan si Mayweather sa mahanging mga patutsada sa Pambansang Kamao Sabado sa press conference na rito’y nagsilbing panelist ang dating fighting senator. (Aivan Episcope)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID