WebClick Tracer

SPORTS

Laure,Tigresses nanagpang

Mga laro sa Oktubre 1 (Rizal Memorial Coliseum)
12 nn – SSC vs UST (Pool B)
2 pm UPH vs UE (Pool A)
4 pm ADMU vs AU (Pool C)
6 pm FEU vs DLSU (Pool D)

Binalewala ni Ejiya ‘Eya’ Laure at Santo Tomas Golden Tigresses ang oras ng paglalaro kahit madaling araw na ng Linggo upang lapain ang Adamson Lady Falcons, 25-20, 27-29, 15-25, 29-27, 15-10, sa nakumpletong pang-apat na laro sa 1st Shakey’s Super League 2022 Collegiate Pre-Season Championship sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila.

Kinumpleto ni Laure ang pagbalikwas ng UST sa two-set down sa niladlad na mawerpang abilidad para nakangiting umuwi ang España-based squad pagkatapos quadruple header sa pagbubukas ng liga, na nagkansela ng mga laro para sa Linggo dahil sa bagyong Karding.

“For the love of the game,” sey na lang nina UST coach Emilio ‘Kungfu’ Reyes at assistant coach Yani Fernandez sa laban na nagsimula sa alas-10:51 ng gabi ng Sabado at natapos na ng ala-1:14 ng madaling araw ng Linggo.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan at organizer ng liga dahil sa palpak na naganap sa opening kung saan napuyat ang marami.

We’d like to apologize because we’re really running late. The games earlier really took a long time and of course, we had to go with our opening ceremonies,” esplika ni Adrian Paolo Laurel, pangulo at CEO ng organizer Athletic Events and Sports Management Inc. (ACES).

“But we’ll improve on that and I’m sure the fans would also like to see these games live. That’s what we’re gonna try to do. All the games will be shown live,” panapos na sey ng opisyal. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID