WebClick Tracer

SPORTS

Manalang kumayod vs Laguna

Nagbaon si Robbie Manalang ng 18 points, 5 rebounds at 3 assists upang akayin ang Pasig City Sta. Lucia Realtors na tabunan ang Laguna Heroes Krah Asia,74-58, sa Okbet Xtreme 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 regular season game nitong Sabado ng gabi sa Orion Sports Center sa Bataan.

May bakas sina Rey Anthony Peralta na 14 markers at umiskor pa ng 13 si Ryan Paule Costelo para sa pampitong dikit na rasaga ng Pirates na kinapitan ang segunda sa North Division sa 13-5 overall win-loss slate.

Dehins naman umubra ang 17 pts. ni John Paul Nieles at tig-10 nina Floyd Dedicatoria at Mico Bren Pallares sa pagsalampak ng Heroes sa pangisyam sa South Division sa 3-14.

Wagi rin ang Bacoor (8-11) kontra Valenzuela ( 9-10) 93-83, at ang San Juan (12-6) laban sa Bataan (10-8) 90-74. (Annie Abad)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID