WebClick Tracer

SPORTS

Warriors aligaga kay Green, 2 pa

Gusto ni Golden State general manager Bob Myers na itali sa Warriors sina Andrew Wiggins, Jordan Poole at Draymond Green.

Silang tatlo ang support cast na mahalaga ang ginampanang papel sa championship run ng Warriors nitong nakaraang 76th National Basketball Association 2021-22 season.

Papasok na si Wiggins sa final year ng kanyang kontrata. Kung hindi mabibigyan ng contract extension si Poole sa pagsisimula ng 2022-23 magiging restricted free agent na siya sa Hulyo.

Eligible at humihirit si Green ng apat na taong nagkakahalaga ng max $138.4M extension.

Pero ga-bundok na ang gastos ng Warriors, nagpaluwal ng $350M sa suweldo ng players at luxury tax noong nakaraang season. Nasa bisinidad din nu’n ang babayaran ng team sa papasok na taon.

Pahayag ni Myers, via Kendra Andrews ng ESPN:

“Can we get all (three) of them? I don’t know. It depends on what the money ends up being.” (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID