WebClick Tracer

METRO

Kennon road sinara sa mga di taga-Baguio

PANSAMANTALA munang sinara ng Department of Public Works and Highway-Cordillera (DPWH-Cor) ang Kennon Road sa mga hindi residente bilang paghahanda sa bagyong “Karding.”

Ayon sa DPWH-Cor, temporaryong isinara ang naturang kalsada sa mga hindi residente ng Baguio City.

“All motorists (non-residents) are advised to pass thru Marcos Highway, Baguio-Bauang Road (Naguilian Road), or Asin-Nangalisan-San Pascual Road,” ayon sa advisory ng DPWH-Cor.

Ito’y kaugnay na rin sa epekto ng pag-landfall ng bagyo base sa abiso ng

Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na makakaapekto sa Hilaga at Gitnang Luzon. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID