WebClick Tracer

METRO

Magdyowa nag-sex sa beach, kinasuhan

Kinasuhan ang magdyowa nang mabuking ang kanilang kangkangan sa dagat! Ang malupit pa, wapakels sila kahit may mga batang naglalaro malapit sa baybayin.

Headline sa mga international news site ang “sex on the beach” sa broad daylight ng isang couple sa Miramar Beach sa Puerto Colombia, Colombia noong September 11.

Isang beachgoer ang nakaispat sa ginagawa ng magdyowa at binidyuhan ang mga ito.

Makikita sa viral video na ilang beses nagpalitan ng posisyon sa dagat ang magdyowa.

Nakilala ng mga awtoridad ang magdyowa nang mag-viral ang video kaya kinasuhan ang mga ito at pinagmulta ng 900,000 Colombian pesos o P12,000.

Itinago naman ang pagkakakilanlan ng mga ito. (Issa Santiago)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID