WebClick Tracer

NEWS

Sibakan ng mga manager sa PTV4 nakaamba

Nagsumite ang Office of the Press Secretary (OPS) sa Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporations (GCG) ng reorganizational plan para sa PTV4.

Sa deliberasyon ng budget kahapon, nagtanong si ACT Teachers party-list Rep. France Castro kaugnay ng 549 empleyado ng PTV4 na hindi regular sa trabaho o nasa ilalim ng contract of service (COS).

“Siguro kung ito naman ay indispensable sa gawain sa PTV4 bilang mga public broadcaster, necessary ang kanilang trabaho at paulit-ulit na nire-rehire ibig sabihin po kailangan sila sa mandato ng PTV4 na mabigyan ng plantilla position,” sabi ni Castro.

Sinabi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, sponsor ng budget ng OPS na pabor ito sa nais mangyari ni Castro subalit mayroon lang problema dito.

“Kung pwedeng i-fill up yan ay gagawin as soon as possible. Ang problema nga lang po is pending pa po ang reorganization proposal before the GCG. Habang hinihintay po natin na aprubahan nilayan ay hindi po tayo makapag-fill ng position,” sabi ni Quimbo.

Ipinaliwanag ni Quimbo na mayroong mga posisyon na maaaring malusaw o pag-isahin na lamang.

Nangako naman si Quimbo kay Castro na ipa-follow-up ng OPS ang plano sa GCG.

Sa panayam matapos ang deliberasyon ng budget, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ang kasalukuyang organization structure ng PTV4 ay “top heavy” kaya mahirap ipatupad. Mayroon aniyang mga managerial position na lulusawin sa panukalang reorganization.

“So meron proposal for a less top heavy na organization, para one, mas marami ang mapapaunlakan, maraming magiging permanente at mas rational yung number of people in the management position. So hinihintay po natinyung sagot ng GCG tungkol dito sa bagong reorganization plan,” sabi ni Angeles. (Billy Begas)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID