WebClick Tracer

METRO

67-anyos drug dealer, 14 pa timbog

Mahigit P.7M halaga ng droga ang nakumpiska sa 15 tulak kabilang ang isang 67-anyos na drug dealer na nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa serye ng anti-illegal drug operation sa Bulacan kamakalawa.

Ayon kay P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PNP, kabilang sa nadakip sina Maximo Dela Cruz, 67,

sa Poblacion, Sta.Maria; Orpia Manalo ng Barangay Kaypian, San Jose del Monte City at magtiyuhing Mary Meliza Eusebio at Edwin Ramirez na natimbog sa Barangay Canalate, Malolos City.

Narekober kay Dela Cruz ang P578,000 halaga ng shabu habang si Manalo ay makumpiskahan ng 10 gramo ng shabu.

Kumagat naman sa ikinasang buy-bust ng Bulacan PIU ang magtiyuhing Eusebio at Ramirez sa Barangay Canalate, Malolos City at masamsaman ng P122,400 droga.

Samantala, 11 pang drug suspect ang nadakip ng SDEU ng Municipal Police Station (MPS) sa mga bayan ng Paombong, Bocaue, Marilao, Norzagaray, Sta.Maria at SJDM City. (Jun Borlongan)

TELETABLOID