WebClick Tracer

SPORTS

P320K sa Hermosa triathlon

Aarangkada ang P320K 2nd Hermosa Triathlon (1.6K Swim, 45K Bike, 11K Run) sa Paseo Del Mar, Zamboanga City sa Linggo, Oktubre 30 simula sa alas-6:00 ng umaga.

May basbas ni Mayor John Dalipe, ito ay oorganisahin ng Fuerza Multisports sa pangunguna ni Trimac Coach at Race Director Jojo ‘Jomac’ Macalintal at sa pakikipagtulunag ng Zamboanga Trail Runners.

Papadrino sa event ang Nature’s Spring Water, Pocari Sweat, Compressport, Unison Bikeshop, Cignal TV, Milcu, Brooks, TYR, Gu, Berocca, at Adventure Athletics. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID