WebClick Tracer

SPORTS

Pagdanganan sa AK golfest

Tuloy ang paghabol ni Bianca Isabel Pagdanganan sa Magic 100 ng Race to CME Globe season upang makipkip ang 74th Ladies Professional Golf Association Tour 2023 card paghambalos sa 73rd LPGA Tour 2022 Leg 28 $1.7M (P100.4M) 10th Volunteers of America Classic na sisiklab ngayong Huwebes (Biyernes sa ‘Pinas) sa Old American Golf Club sa The Colony, Texas.

Nasa No. 124 ang Pinay ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) par buster sa 101.147 Globe points patungo sa huling anim na torneo sa nakatakdang matapos na season.

Hindi masasalihan lahat ni Pagdangan ang mga natitirang kompetisyon dahil sa reshuffle, kaya todo sa ilang pagkakataon pang masasabakan na lang upang mabot misyon. (Ramil Cruz)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID