WebClick Tracer

OPINION

Pista ni San Lorenzo Ruiz

Ipinagdiwang ng buong bansa nitong Setyembre 28 ang pista ng kauna-unahang Pilipinong Santo, San Lorenzo Ruiz. Siya ang unang katutubong martir ng Pilipinas na isinilang sa Binondo, Maynila nang taong 1600 mula sa angkan ng isang amang Tsino at inang Filipina.

Naging sakristan si Lorenzo ng mga paring Dominico sa simbahan ng Binondo. Nagkaroon siya ng dalawang Anak na lalaki at isang babae. Nong 1636, dahil sa isang paratang napilitan siyang lumikas ng Pilipinas patungong Japan kasama sa misyon sa nasabing bansa.

Noon ay laganap ang pag-uusig sa bansang Hapon sa mga Kristiyano. Nahuli si Lorenzo sa Nagasaki pati ang kanyang limang kasama at pinahirapan nang husto dahil sa kanilang pananampalataya Katoliko. Ang lahat ay tiniis ni Lorezo at nanatiling tapat hanggang sa kahuli-hulihan.

Noong Setyembre 27, 1637, ibinitin siyang patiwarik sa isang balon. Kinabukasan, nalagutan siya ng hininga. Naitala ang kahanga-hanga at matapang na pahayag nito sa bingid ng kamatayan, “Ako’y handang mamatay alang-alang sa Diyos at kung may libong buhay man ako, ihahandog ko rin sa Kanya.”

Si Lorezo Ruiz at ang kanyang mga kasama ay tinanghal na mga santo ni San Juan Pablo II sa Roma noong 1987. Pinatunayan ni Lorenzo na ang kabananalan ay para sa lahat, lalo na ngayong lubos na hinihikayat ng Iglesya ang aktibong partisipasyon ng mga layko sa pagiging mga saksi ng pananampalataya sa sekular na lipunan.

San Lorenzo Ruiz at mga Kasamang Martir, Ipanalangin ninyo kami!

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID