WebClick Tracer

METRO

Pulis tigok sa kinalikot na boga

Sariling bala ang kumitil sa buhay ng isang pulis nang aksidente itong pumutok at masapol ito sa dibdib sa Camp Juan Villamor, Barangay Calaba, Bangued, Abra kamakalawa.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Corporal John Paul Belisario Ayon-Ayon, 30-anyos, taga-Ilocos Sur, at nakatalaga sa Abra PPO General Services.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente nitong Setyembre 27. Habang inaayos ang baril at tinatanggal umano ng biktima ang slide assembly ng kanyang 9mm Taurus service firearm ay aksidente nitong makalabit ang gatilyo ng baril.

Nang pumutok ay nasapol ito sa sariling dibdib.

Agad itong itinakbo sa Abra Provincial Hospital ngunit idineklara ring patay.

TELETABLOID