WebClick Tracer

SPORTS

Taylor, Rain or Shine tinambakan Ginebra

Maganda ang nilaro ng Rain or Shine at natiyempuhan na masama ang gising ng Ginebra, walang kaso kay coach Yeng Guiao.

Mahalaga ay nakumpleto ng Elasto Painters ang 93-71 win sa MOA Arena Miyerkoles ng gabi para iakyat sa 1-1 ang kartada sa PBA Philippine Cup elims.

“Magandang bawi namin from ‘yung talo sa NLEX,” ani Guiao. “Malaking isda ‘tong nahuli namin.”

Puminta ng 21 points, 10 rebounds, 5 assists si Steve Taylor Jr. para pangunahan ang RoS. May 15 markers si Santi Santillan, 10 kay Mike Nieto.

Sa first 24 minutes, 1 of 11 lang sa floor si Justin Brownlee at 0 of 6 combined sina LA Tenorio at Scottie Thompson. Dalawa lang sa 20 tira ang naipasok ng Gins sa second period, na-outscore 28-5 at naiwan 55-28 sa break na namaga hanggang 87-55.

Tumapos si Brownlee ng 20 points at 16 rebounds, nagsumite ng 14 points si Jamie Malonzo sa kanyang Ginebra debut.

Sa first game, sa kanyang binyag sa liga ay humarabas si Nick Rakocevic ng 45 points, 25 rebounds para balikatin ang Magnolia (1-0) sa 100-92 win kontra Terrafirma (0-2). (Vladi Eduarte)

TELETABLOID