WebClick Tracer

SPORTS

Concepcion, Pampanga winasiwas Makati

Nagbaon si Archie Concepcion ng 16 points sa 7-of-10 shooting, 3 assists at 1 rebound sa 15:1 job lang upang giyahan ang Pampanga sa pagpapaplakda sa Makati, 91-54, sa pagpapatuloy ng Xtreme Okbet 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 regular season game nitong Martes ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bumakas sa kanya si Alex Ramos ng 11 markers at 12 boards samantalang umiskor ng 10 si Michael John Garcia na mga buhat sa bench upang kapitan ng Giants Lanterns ang segunda sa North Division sa barahang 13-5 win-loss.

Lumamang ng limang puntos ang sumalampak sa 1-17 na MNL Kingpin, pero madaling binura ng mga Kapampaangan sa dominado nilang salpukan na kinakitaan nang pagdistansya ng dambuhalang 40 puntos.

Dehins kinaya ng 14 pts. ni Kobe Bryant Pableo na maisalba ang Makati sa pang-16 na dikit na pagtaob sa 22-team men’s cagefest. (Annie Abad)

TELETABLOID