WebClick Tracer

OPINION

Mga nganga sa CA kailangan ma-reappoint

Dahil sa kakulangan ng oras, na-bypassed ang appointments at nominasyon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ng 12 appointees ni Ferdinand Marcos Jr.

Sila ay sina Finance Secretary Benjamin Diokno,- Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, Energy Secretary Raphael Lotilla, Public Works Secretary Manuel Bonoan at Human Settlements Secretary Jose Acuzar.

Ang iba pa ay sina Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, Migrant Workers Secretary Susan Ople, Science Secretary Renato Solidum Jr. Trade Secretary Alfredo Pascual, Transportation Secretary Jaime Bautista at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan

Kasama din hindi nakalusot sa CA ay sina Commission on Audit Chairman Jose Calida at Commission on Elections Commissioner Nelson Celis.

Kasama nga rin sa listahan ng gma na-bypassed si dating Executive Secretary Vic Rodriguez subalit nagbitiw siya nat pinalitan ni dating Chief Justice Lucas Bersamin.

Wala namang dapat ikabahala dito. Nagyayari naman talaga lalo na kapag inabot ng break ang Kongreso. Nag-adjourn ang session ng Kongreso nitong Miyerkoles kaya hindi na nasalang ang iba pang mga opisyal.

Lahat naman ng na-bypassed na mga opisyal ay kailangan lang ma-reappoint ng Pangulo at tingin ko naman ganoon ang mangyayari. At sa pag-resume ng session ng Kongreso sa Nobyembre 7, Lunes iyon, muli silang isasalang sa CA.

Natiyempo kasing abala ang Senado at Kamara sa pagtalakay sa panukalang 2023 budget kaya hirap silang hatiin ang oras. Budget season ngayon kaya sobrang abala ng HOR at Senado.

Bago mag-break ang Kamara, naipasa nila sa ikatlong pagbasa ang proposed 2023 budget habang ang Senado naman ay nag-uumpisa pa lang sa pagtalakay sa ng mga proposed budget sa committee level pa lang.

Puwede sana silang mag-extend hanggang gabi kaya nga lang, pagod na rin sila dahil umaga pa lang ay nagsisimula na sila, kasabay na rin yan ng budget hearing sa Senado. Kulang na kulang sa oras.

Hindi naman puwede basta na lang iratsada yan. Iyong tipong wala nang tanong sa nakasalang na cabinet officials. Siyempre, maraming gusto linawin ang mga miyembro ng CA sa ilang isyu ng tanggapan ng gabinete. Talagang binubusi nilang mabuti. Hindi nila basta-basta na iniendorso.

Kung wala namang isyu sa isang gabinete, madali lang para sa kanila dahil agad iendorso ang kanilang nominasyon sa plenaryo. Depende rin kasi talaga sa nakasalang na opisyal. Depensa kung may isyu sila o wala. Kung wala, hindi na dadaan sa butas ng karayom.

Pero hindi naman ibig sabihina ay sinasadyang i-delay ang kanilang confirmation. Talaga lang sigurong kinulang sa oras. Pag-resume naman nila sa Nov. 7 madali na lang yan. Pero siyempre kailangan lang muna silang ma-re-appoint ng Pangulo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID