WebClick Tracer

SPORTS

Nievares, 159 pa pabakuna sa PSC

Pinangunahan ni 2020+1 Tokyo Olympian rower Cris Nievares ang mga atleta at coach na umabot sa 160 mula sa 11 sports, kasama ang mga kawani ng Philippine Sports Commission ang tumanggap ng libreng bakuna laban sa COVID-19 Miyerkoles sa Rizal Coliseum ng Rizal Sports Complex sa Malate, Maynila.

Nakipagtambal ang PSC sa Department of Health at City Government of Manila para makapagbigay ng COVID-19 vaccination booster shots sa patuloy na hakbang ng government sports agency laban sa pandemya at mga variant nito.

“It is also vital that we remain vigilant and protected against COVID-19. Our athletes, coaches, and employees who serve them need to be secured, protected and cared for as we begin transition and the return of our sports activities and events,” esplika ni PSC chairman Jose Emmanuel Eala.

Hnirat niyang nasa 400 mga manlalaro, coach at mga PSC employee na ang nainiksyunan sapul nang magbukas ang mga pasilidad ng PSC sa Maynila (Rizal Sports Complex) at sa Pasig (PhilSports Complex).

Nakasabay ng rowing sa pinakabagong bakunahan ang baseball, canoe kayak, karate, table tennis, judo, kurash, gymnastics, taekwondo, water polo at diving. (Ramil Cruz)

TELETABLOID