WebClick Tracer

OPINION

Ayuda sa binayo ni ‘Karding’

Marami ang nagpasalamat at humina ang Super Bagyong ‘Karding’ nang manalasa ito sa Central Luzon last week. Kung nagkataon na hindi nabawasan ang kanyang lakas, maraming mamamayan ng nasabing rehiyon, pati na ang Metro Manila, ang iiyak sa pagkawasak ng kanilang kabahayan at posibleng pati na ang pagkawala sa ilang mahal nila sa buhay.

Nabawasan man ang lakas ng bagyo, marami pa ring lugar ang lubos na sinalanta at nangangailangan ng tulong ng gobyerno.

Nitong Biyernes, namahagi si Senador Jinggoy Estrada ng cash assistance sa tinatayang 400 pamilyang sinalanta ng bagyo sa lalawigan ng Quezon. Binisita ng senador ang lalawigan upang personal na makita ang pinsalang dinulot ni Karding.

“Dinamayan natin ang mga pamilyang naninirahan sa Burdeos, Quezon na matinding hinagupit ng bagyong Karding at ipinamagi natin ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD),” saad ni Estrada.

“Nakapanlulumo ang sinapit ng mga kababayan natin doon. Kailangang kailangan nila ng tulong mula sa gobyerno at pipilitin natin na mapaabot sa kanila ito sa lalong madaling panahon. Mas kailangan nila ngayon ng cash para may pambili sila sa kanilang pangangailan at maayos ang kanilang masisilungan,” dagdag ng anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Umaabot sa P5,000 ang pinamahaging ayuda sa bawat pamilya ng Barangay Carlagan sa Burdeos, Quezon para maipambili ng kanilang pangangailangan lalo na sa pagkumpuni ng nasirang bahay. Ang AICS ay ilang dekada nang pinapatupad ng DSWD bilang bahagi ng kanilang technical assistance at resource augmentation support sa local government units (LGUs) at iba pang katuwang ng ahensiya.

Bahagi ito ng ‘protective service’ ng DSWD sa mga kapuspalad, “marginalized, vulnerable and disadvantaged individuals.”

Matapos ang pamamahagi ng ayuda sa Quezon, nagtungo naman si Estrada sa KB Gym sa Malolos, Bulacan upang magbigay pugay sa limang rescue worker na namatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin noong kasagsagan ng bagyo.

Sina George E. Agustin, Troy Justin P. Agustin, Marby B. Bartolome, Jerson L. Resurrecion at Narciso Calayag Jr. ay mga kasapi ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Namatay sila habang rumeresponde sa binahang barangay sa San Miguel, Bulacan noong kasagsagan ng bagyong Karding.

Si Estrada ay Chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation. Likas na ang pagiging matulungin ni Estrada sa mga taong nangangailangan lalo na noong kainitan ng pandemya.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID