WebClick Tracer

SPORTS

Joel ganap nang Kano

Isa nang proud American citizen si Joel Embiid.

Tubong Cameroon ang National Basketball Association star ng Philadelphia 76ers, dalawang linggo na ang nakakaraan nang panumpain ang big man bilang citizen ng US.

Malaking bagay sa kanyang desisyon na magpalit ng citizenship ang pamilya – ang Brazilian girlfriend na si Anne de Paula at anak nilang lalaki.

“I’ve been here a long time,” pahayag ng basketbolista sa The Associated Press nang matiyempuhan sa training camp sa The Citadel sa Charleston City nitong Huwebes. “My son is American. I felt like, I’m living here and it’s a blessing to be an American. So I said, why not?”

May citizenship din sa France ang 28-year-old. Maaga pa aniya sabihin kung aling bansa ang puwede niyang katawanin sa international competitions. (Vladi Eduate)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID