WebClick Tracer

NEWS

3,822 bagong COVID case, NCR sumisipa

Nakapagtala ang ang Department of Health (DOH) ng 3,822 bagong kaso ng COVID-19 infection sa bansa at nangunguna diumano ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamataas na bilang nito.

Dahilan para umakyat sa 3,951,766 ang kabuuang bilang ng mga indibiduwal na dinapuan ng coronavirus.

Umakyat na rin sa 29,525 ang mga aktibong kaso mula sa 29,118 na naitala noong Biyernes.

Nalaman na ang NCR ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong COVID-19 infection sa nakalipas na dalawang linggo na umabot ng 14,299.

Kasunod ang Calabarzon na may 5,634 bagong kaso habang 2,958 naman sa Central Luzon, sumunod ang Davao Region na may 1,386, at ang Western Visayas na nakapagtala ng 763.

May naitala rin na 34 nasawi kaya umaabot na sa 62,981 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sanhi ng COVID-19 habang nasa 3,859,260 ang gumaling sa sakit kasama ang 3,285 bagong nakarekober.(Juliet de Loza-Cudia)

TELETABLOID