WebClick Tracer

NEWS

4,000 worker sapol ng sibakan sa Mactan EPZ

Aabot sa 4,000 manggagawa sa ilang kompanya sa Mactan Export Processing Zone sa Cebu ang napipintong mawalan diumano ng trabaho.

Batay sa ulat, kabilang sa mga kompanyang magbabawas umano ng mga manggagawa ay ang Mactan Apparels Inc., Metro Wear Inc., Globalwear Manufacturing, Eeeder Apparel Corporation, at Vertex One Apparel Phils.

Pansamantalang tumigil umano ang operasyon ng mga nabanggit na kompanya sa kasagsagan ng pandemya subalit muling ibinalik ang kanilang mga empleyado nang lumuwag ang mga paghihigpit laban sa COVID-19.

Gayunman, dahil umano sa global recession ay kinakailangang bawasan na ang kanilang mga manggagawa.

Labis din umanong naapektuhan ang mga kompanya ng pananalasa ng bagyong Odette noong 2021, mga isyu sa supply chain, at pagtaas ng presyo ng gasolina.

May matitira pa rin umano na 75% ng mga manggagawa habang ang masisibak ay bibigyan naman ng kanilang separation pay. (Dolly Cabreza)

TELETABLOID