WebClick Tracer

METRO

80-anyos dedbol sa bundol

Isang 80-anyos na biyuda ang nasawi nang mabundol ng kotse sa Zone 4, Barangay Baybayog, Alcala, Cagayan noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Teresita.

Sa imbestigasyon, tumatawid sa national highway ang biktima nang mabangga ito ng kotseng minamaneho ng negosyanteng si Aeron Jezrel Valorozo, 26, ng Barangay Tungel, Baggao, Cagayan.

Sa lakas ng impact ay tumilapon si Teresita sa sementadong kalsada.

Agad na isinugod sa Alcala District Hospital ang biyuda ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Hindi naman nasaktan ang driver at mga pasahero ng kotse.

Ayon sa suspek, nasilaw siya sa ilaw ng isang sasakyan kaya hindi nito napansin ang biktima.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID