WebClick Tracer

NEWS

Blended learning itatapal sa classroom shortage

Masusing pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng blended learning sa bansa bilang solusyon sa kakulangan ng mga silid-aralan.

“Bakit pinag-aaralan na po `yung pag-institutionalize ng blended learning as a mode in our schools? Dahil po ang pananaw diyan ng Department of Education ay ito ay isa sa solusyon para diyan sa classroom shortage

This is something that we are reviewing right now. And we are looking if it is possible to institutionalize blended learning sa ating basic education schools,” sabi ni DepEd spokesperson Michael Poa sa press briefing nitong Biyernes.

Bahagi ng blended learning ang in-person, online at iba pang modular o alternative mode ng pag-aaral.

Ito aniya ang nakikitang posibleng solusyon sa kakulangan ng mga silid-aralan na kinakaharap ng bansa tuwing pasukan.

“Talagang mahirap nang resolbahin yung pagdating sa classroom shortage, kasi bukod sa ating backlogs, perennial problem na poyung ating classroom shortage, dahil taun-taon, dumadami rin `yung ating enrollees, at taun-taon may kalamidad na dumadaan sa ating bansa,” paliwanag ni Poa.

Samantala, pinag-aaralan na rin aniya ng DepEd ang pagpapatayo ng mga silid-aralan na matibay ang disenyo laban sa kalamidad.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID