WebClick Tracer

NEWS

COVID hawaan sa face-to-face class sinisipat

Kasalukuyang kinukumpirma ng Department of Education (DepEd) ang mga ulat na mayroong mga mag-aaral at school personnel na tinamaan ng COVID-19 sa pinatupad na face-to-face classes.

“Talaga pong meron na tayong natatanggap na mga reports ng COVID cases or cases kung saan nagpo-positive ang ating learners, ang ating teachers, or non-teaching staff,” sabi ni DepEd spokesperson Michael Poa.

Subalit wala umanong eksaktong bilang ang DepEd kung ilan ang dinapuan ng COVID-19 mula nang ipatupad ang face-to-face classes.

Kung kaya’t bineberipika umano ngayon ng DepEd ang mga natanggap na ulat sa pagmomonitor naman ng mga lokal na pamahalaan at sa datos ng Department of Health.

Siniguro ni Poe na masusing binabantayan ng ahensiya ang mga sitwasyon sa lahat ng paaralan at mahigpit din ang bilin sa mga ito na ipatupad ang mga nararapat na hakbang upang maiwasan ang pagsirit ng COVID sa eskuwelahan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID