WebClick Tracer

SPORTS

Kai, Adelaide pinaluhod Elite

SAPAT na ang apat na puntos ni Kai Sotto para ayudahan ang Adelaide 36ers kontra Overtime Elite, 86-81, sa pagbubukas ng labanan sa US tour ng koponan Sabado ng umaga (oras Maynila) sa The PHHACILTY sa Phoenix, Arizona.

Nagamit ang 16 na minutong paglalaro ni Sotto upang makatulong sa koponan kung saan bukod sa kanyang 4 puntos ay mayroon din siyang dalawang rebounds na nasungkit.

Sinamantala ng 36ers ang kabataan ng kanilang kalaban kung saan ginamit nila ang 27 free throws upang dominahin ang laban kontra sa naitalang 17 ng Elite.

Matapos na lumamang ng dalawa sa unang bahagi ng ikatlong quarter ang OTE, rumatsada na ang 36ers kung saan ay isang 14-0 run ang kanilang itinakbo hanggang sa fourth quarter na nagbigay ng kanilang 20 puntos na kalamangan.

Nagbanta naman ng pagtakbo ang OTE sa 12-0 run bunsod nina Ausar at Amen Thompson,sa huling 3:07 ng laro.

Hindi naman nagpatinag ang 36ers kung saan nanatili silang nakakapit sa kanilang kalamangan hanggang kunin ang panalo na gagamitin nilang pondo sa pagharap sa NBA team Phoenix sa Lunes. (Annie Abad)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID