WebClick Tracer

NEWS

Kuya bulagta kay utol sa away-lupa

Dahil sa matagal nang alitan sa lupang sakahan, nabaril at napatay ng isang lalaki ang kanyang kuya sa San Francisco, Quezon Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Michael dela Cruz, 39, ng Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos.

Idineklara itong dead on arrival sa ospital dahil sa dalawang tama ng bala sa likod at sa tiyan.

Sa report ng San Francisco police, ang biktima ay pinagbabaril ng kapatid niyang si Melencio Yare, 37, malapit sa bahay ng suspek sa Sitio Labrahan, Brgy. Don Juan Vercelos habang ang biktima at ang kanyang anak ay naglalakad papauwi ng bahay alas-otso ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na matagal ng may tampuhan ang magkapatid hinggil sa kanilang lupang taniman na pag-aari ng kanilang pamilya.

Sinampahan na ng kasong murder sa Office of the Provincial Prosecutor sa bayan ng Catanauan ang suspek. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID