WebClick Tracer

NEWS

LTO pinalawig expired na lisensiya, plaka

Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na kanilang pinalawig ang validity ng mga nag-expire na student permit, driver’s license at plaka ng sasakyan hanggang sa katapusan ng Oktubre ngayong taon.

Kasama rin sa pinalawig ang nag-expire na lisensiya ng mga konduktor gayundin ang mga medical certificate.

Sa isang advisory, sinabi ng LTO na ang validity ng nasabing mga dokumento na nag-expire noong Agosto at Setyembre ay pinalawig hanggang Oktubre 31, 2022.

Kabilang sa pinalawig ang pagrehistro ng mga plaka ng sasakyan na nagtatapos sa “8”.

Sinabi ng LTO na ginawa nito ang nasabing hakbang bilang konsiderasyon na rin sa mga sinalanta ng super typhoon Karding at sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infection sa bansa. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID