WebClick Tracer

SPORTS

Nisperos, Ateneo winalis Arellano

BINITBIT ni Faith Nisperos ang Ateneo De Manila Blue Eagles para walisin ang Arellano University, 25-14, 30-28, 25-17, para kapitan ang liderato ng Pool C sa ginaganap na 2022 Shakey’s Super League sa Rizal Memorial Coliseum.

Nagtala si Nisperos ng kabuuang 12 attacks, 1 block at 3 service aces para sa kabuuang 16 puntos para pamunuan ang Blue Eagles na nasubok ang katatagan sa ikalawang set na humaba matapos magpalitan ng iskor hanggang sa umabot sa 30-28.

Ang panalo ay nagbigay sa Ateneo sa pangunguna sa apat na koponan na Pool C kung saan uusad ang dalawang mangungunang team matapos ang eliminasyon.

Nalasap naman ng NCAA runner-up na Arellano Lady Chiefs ang unang kabiguan at puwersado na manalo sa huli nitong tatlong laro upang makapag-agawan sa susunod na silya sa quarterfinals.

Sa first game, panalo ang UST Golden Tigresses kontra San Sebastian College-Recoletos Lady Stags, 25-16, 25-21, 25-18.

Wagi rin ang University of Perpetual Help System Dalta laban sa University of the East, 25-22, 27-25, 25-16 upang kapitan ang solong liderato sa Pool A sa ikalawang bakbakan. (Lito Oredo)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID