WebClick Tracer

NEWS

P100K alahas hinarbat ng Grade 11

Isang 16-anyos na estudyante ang dinampot matapos magnakaw ng may P100,000 halaga ng alahas.

Ayon sa ulat, nahuli ang Grade 11 student, na hindi na pinangalanan dahil sa pagiging menor-de-edad pa nito, madaling-araw nitong Biyernes, sa Barangay Poblacion, Borbon, Cebu.

Nauna rito’y nahuli ang isang 31-anyos na vendor na si Johanna Fiel Mundo na nagsangla ng mga alahas ngunit itinuro niya ang binata na siya raw nag-utos sa kanya.

Dagdag ni Mundo, nangako sa kanya ang suspek na bibigyan siya ng pera kapag naisangla ang mga alahas, na ninakaw ng huli sa bahay ng biktimang si Danafe Mangubat Simien, 39 taong gulang.

Kabilang sa mga narekober ay isang Saudi Gold ring na nagkakahalagang P8,000 at isang engagement ring diamond na nagkakahalaga ng P120,000.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Department of Social Welfare and Development ang estudyante. (IS)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID