WebClick Tracer

NEWS

PBBM nilatag plano ng pagbangon sa mga Fil-Chinese

Tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga plano ng kanyang administrasyon para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa COVID-19 pandemic nang makaharap ang grupo ng mga Filipino-Chinese business leader noong Biyernes.

Ibinahagi ng pangulo sa kanyang Facebook nitong Sabado ang pulong niya sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCII) na ginanap sa Malacañang.

“We thank our friends from the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. for meeting with us yesterday and for sharing their ideas to speed up our country’s economic recovery from the pandemic,” sabi ng pangulo.

Wala pang inilalabas ang Malacanang na karagdagang detalye kaugnay sa naganap na pulong ni Pangulong Marcos sa mga Filipino-Chinese business leader. Subalit nauna nang nagpahayag ng kanilang suporta ang FFCCII sa mga plano ng administrasyon para sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.

TELETABLOID