WebClick Tracer

SPORTS

Razon pabida sa Perpetual

PASIKLAB si Jielo Razon sa Perpetual Altas kontra San Sebastian Stags, 61-57, sa second game ng NCAA Season 98 seniors basketball tournament sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan City, Sabado.

Nagtala ng 14 puntos si Razon kasama ang limang rebounds at dalawang steals para ibigay sa Perpetual ang 3-3 record.

Samantala, opisyal nang binawi ng National Collegiate Athletics Association (NCAA) Management Committee ang season-opening 66-55 panalo ng Mapua laban sa San Beda noong Setyembre 10.

Isinabak ng Mapua ang kanilang hindi
lehitimong manlalaro na si Gab Gamboa ayon sa nasabing kumite na nag-imbestiga ng insidente.

Dahil dito, umakyat ang Red Lions sa 4-1 habang bumaba ang Cardinals sa 0-6 baraha. (Annie Abad)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID