WebClick Tracer

NEWS

Robin Padilla inoperahan sa puso

Sumailalim si Senador Robin Padilla sa heart procedure at nasa maayos na umano ang kalagayan nito.

Base sa pahayag ng kampo ni Padilla kagabi, pinayagan nang makauwi ang senador matapos ang isinagawang heart procedure sa kanya sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City nitong Sabado, Oktubre 1.

“Magpapahing apo si Sen. Padilla ngayong weekend at inaasahang makakabalik sa kanyang trabaho at normal na gawain sa lalong madaling panahon,” ayon pa sa pahayag ng opisina ng senador.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Padilla dahil sa pagbuhos anila ng dasal at suporta para sa kanyang agarang pagrekober.

Tiniyak din ng opisina nito na magbibigay sila ng update sa kalagayan ni Padilla.

TELETABLOID