WebClick Tracer

NEWS

Senior citizen pinagtataga ng manugang

Isang 78-anyos na babae ang nasugatan nang pagtatagain ito ng kanyang manugang sa bayan ng Milagros, lalawigan ng Masbate, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Masbate police ang biktimang si Josefina Lancetas, residente ng Barangay Capaculan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang naghahanda ng almusal si Jose Lobiano, 63, narinig niyang sinisigawan siya ng kanyang biyenan habang nasa labas ng kanyang bahay alas-7:30 ng umaga.

Sa galit ay sinugod at pinagtataga ng manugang ang biktima gamit ang isang bolo.

Mabilis na itinakbo sa Masbate provincial hospital ang biktima habang agad namang naaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis.

TELETABLOID