WebClick Tracer

NEWS

SIM card palyado na `pag ayaw irehistro

Obligado na ang lahat na iparehistro ang kanilang SIM card kapag naging ganap na batas ang panukalang inaprubahan ng Kongreso.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, nakapaloob sa panukala na ang mga hindi rehistradong SIM card ay made-deactivate kapag hindi pinarehistro kung kaya’t hindi na rin ito magagamit.

“Ang simpleng konsepto bago ma-activate ang SIM mo magrehistro muna. May uso na ngayon `yung cardless SIM, kapag bibili ka ng iPhone ngayon wala nang physical SIM card, meron na lang virtual SIM card, maganda rin na-veto at naipasok itong batas, ngayon puwede ka na magparehistro sa telco bibigyan ka ng virtual number pero bago maa-activate kailangan magparehistro ka muna,” ayon kay Gatchalian, may akda ng panukala.

Kumpiyansa ang senador na hindi na ibi-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala.

Matatandaang na-veto ng dating pangulong Rodrigo Duterte ang unang SIM card registration bill dahil sa probisyong nakapaloob ang social media.

“Gusto rin ng admin na maisabatas, timetable dito hopefully in the next 2 weeks to 4 weeks, ganung timetable,” ayon pa kay Gatchalian na ang tinutukoy ay ang pagpapadala sa Malacanang ng panukala sa pirma ng pangulo. (Eralyn Prado)

TELETABLOID