WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Talunang kandidato todas sa ambus

Patay ang isang talunang mayoralty candidate sa nakalipas na national election nang tambangan ng hindi pa kilalang gunmen nitong Biyernes sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Kinilala ang biktimang si Datu Jamael Q. Sinsuat, tumakbong alkalde sa nasabing bayan pero natalo ito ng kanyang pamangkin na si Mayor Lester Sinsuat.

Sa report ng DOS Municipal Police Station, alas-12:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa labas ng mosque sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat ng nasabing lalawigan.

Napag-alaman na paglabas ng biktima ng mosque ay agad siyang pinagbabaril ng mga suspek na mabilis na nagsitakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantala, ipinag-utos naman ng lokal na pamahalaan ng DOS sa PNP na magsagawa na agaran imbestigasyon para sa tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek sa agaran ikadarakip sa mga ito. (Betchai Julian)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID