WebClick Tracer

SPORTS

Tamayo, UP binutata DLSU

NAISALBA ng mga huling free throw ni Carl Tamayo ang muntik nang masulot na panalo ng defending champions University of the Philippines (UP) Fighting Maroons kontra De La Salle University (DLSU) Green Archers tungo sa 72-69 panalo sa unang araw ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament Sabado sa SM Mall of Asia Arena.

Sa unang laro, angat ang UST Growling Tigers laban sa Adamson Fcons, 69-60.

Nataranta ang Maroons nang maghagis si Kevin Quiambao ng tres para ilagay ang La Salle 64-66, may 1:36 na lang ang nalalabi.

Agad naman tumira sina Tamayo at James Spencer para ibigay ang 70-64 abante sa UP sa huling 16 segundo.

Dumikit pa rin ang La Salle nang isalpak ni Evan Nelle ang isang tres na gumulat sa Diliman-based school 69-70, tanging 6.6 segundo na lang ang natitira.

Ngunit pinilit ng UP na depensahan ang nalalabing oras kung saan tumira pa si Tamayo sa linya na may apat na segundo ang nalalabi.

Buhat dito ay hindi na lumingon ang Maroons at tuluyan nang kinuha ang panalo. (Annie Abad)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID