WebClick Tracer

NEWS

Tanod siningil ni lolo, tinigok

TODAS ang isang lolo matapos pagsusuntukin ng barangay tanod habang sinisingil ng una ang huli sa kanyang utang sa Bucay, Abra noong Huwebes.

Kinilala ng Bucay Municipal Police Station (BMPS) ang biktima na si Jacinto Tenebro, 62, habang ang suspek ay si Ronald Tagura, 40, kapwa taga-Barangay Bugbog, sa nasabing bayan.

Ayon sa BMPS, bago ang insidente ay nag-iinuman pa ang dalawa nang biglang umutang ang suspek sa biktima.

Dahil dito, sinabihan ni Tenebro ang suspek na bayaran muna nito ang nauna pa niyang utang na ikinagalit ng suspek at pinagsusuntok ang biktima.

Sa lakas ng pagkakasuntok, nalugmok ang biktima at tumama ang ulo nito sa semento sanhi ng kanyang pagkamatay.

Tumakas ang suspek ngunit siya ay naaresto sa manhunt operation ng pulisya. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID