WebClick Tracer

METRO

331 Chinese, 41 pa sisipain

Nakatakdang palayasin ng Bureau of Immigration (BI) ang 372 mga dayuhan na dinampot sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) sa Pasig at Angeles noong nakaraang Setyembre.

Ayon kay Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tinatapos na ng BI ang mga dokumento para sa pagpapatapon sa 331 Chinese nationals at 41 iba pang mga dayuhan.

Idinagdag niya na 43 sa kabuuan ang pisikal na nai-turn over sa BI, habang ang iba ay nananatiling nasa kustodya ng arresting agency.

Ibinahagi niya na ang Board of Commissioners ng BI ay naglabas na ng Summary Deportation Order para sa 372, at tinatapos na ang mga pagsasaayos para sa kanilang pag-alis. (Mina Navarro)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID