WebClick Tracer

METRO

5 Korean inatake ng kawatan

NAGSASAGAWA ng manhunt operation ang Cavite police sa pagkakakilanlan ng mga suspek na puwersahang pumasok sa bahay ng limang Korean sa isang subdibisyon sa Gen Trias City, Cavite Linggo ng madaling araw.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan at bilang ng mga suspek na pumasok sa bahay ng biktimang sina Kidae Lee, 61; Byeongjun An, 55; Seonghwan Lee, 54; Hyoungwoo Kim, 43 at Seonghoon Kim, 51, pawang taga-Eagle Ridge Subdivision, Brgy Javalera, Gen Trias City.

Sa ulat, alas-tres ng madaling araw nang i-report sa Gen Trias CPS ang robbery incident sa bahay ng mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, isa sa nakatira sa bahay ay tinutukan ng airsoft at puwersahang pumasok sa loob ang mga kawatan.

Isa sa biktima ang umano’y pumalag at nanlaban kaya nasugatan dahil sa nabasag na salamin.

Matapos makuha ng mga suspek ang pakay ay tumakas na dala ang bag ng mga biktima na naglalaman ng di pa nabatid na halaga at mahahalagang bagay.

Sa follow-up operation ng Gen.Trias CPS, narekober ang isa sa bag ng biktima kabilang ang isang kalibre 9mm airsoft na ginagamit ng mga suspek na naiwan sa gilid ng bahay. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID