WebClick Tracer

METRO

Dalagang wanted nabitag

Inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ang dalawang wanted sa batas kabilang ang isang dalaga sa magkahiwalay na One Time Bigtime Operation sa Navotas City.

Kwento ni P/Col. Dexter Ollaging, head ng Navotas City Police Station, unang nasakote alas-3:05 ng hapon si Russel Javelosa, 43, sa kanyang bahay sa Block 23, Lot 41,Phase 2, Area 1, Barangay NBBS.

Nadakip ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Zaldy B. Decena, Presiding Judge ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 170, sa kasong qualified theft.

Sa Barangay San Jose, Navotas City, nakorner ng mga tauhan ng WSS at ng Sub-Station 3 (SS-3) si Cielo Aler, 18, sa kanya ring bahay sa Block 6, Bagong Silang alas-singko ng hapon.

May pending case itong slight physical injuries sa sala ni Judge Celina B. Parallag, Family Court Branch 9.

Nakakulong na sa Navotas Custodial Facility ang dalawa. (Orly Barcala)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID