WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Ex-policewoman, nahulihan ng droga

TIMBOG ang isang dating babaeng pulis ng mga kabaro nito sa Philippine National Police (PNP) sa isinagawang anti-illegal drug campaign sa Camarines Sur.

Kinilala ni Brig. Gen. Warren De Leon, hepe ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), ang suspek na si dating PCpl Richelle Magalona Mata, ng San Rafael, Bato, Camarines Sur.

Sinabi ni De Leon na si Mata ay dating kasama sa Counterintelligence Watchlist ng Camarines Sur Police Provincial Office, Police Regional Office 5.

Taong 2019 nang magpositibo si Mata sa random drug test. Mula noon ay nag AWOL o Absent Without Official Leave na at na-dismiss sa serbisyo.

Naaresto si Mata sa buy-bust operation ng mga operatiba ng IMEG Luzon Field Unit Team 5 at ibang PNP units, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong September 30 sa Brgy. San Rafael, Bato, Camarines Sur.

Nakuha kay Mata ang 3 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na may street value na P88,400. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID