WebClick Tracer

METRO

Kalabaw nagwala, 6 sasakyan sinira

HINDI tao o parehong sasakyan ang sanhi ng pagkasira ng ilang sasakyan kundi sa isang kalabaw na nagwala sa Trece Martires City, Cavite, Sabado ng gabi.

Kabilang sa mga sasakyan na nasira ang isang puting Mitsubishi L300 na may plakang NGO at minamaneho ni Normandie Roy Tiejo y Padilla; itim na Honda City [NED 6468] na minamaneho ni John Joseln Quintanilla y Fama; blue Toyota Vios [NMI 952] ni Ace Masangcay y Majica; puting Nissan Urvan [ABD 4346] ni Elmer Pula y Banez; Microbase Tricycle na minamaneho ni Erwin Mahinay y Belarmino at Orange Toyota Wigo [DAV 6647] ni John Joseph Patulay y Villarea.

Sa ulat ni PSSgt Rene Bibon, ng Trece Martires City, Cavite, alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang bigla umanong nagwala ang alagang babaeng kalabaw ni Renz Carlo Cabales y Canlas. Nagtatakbo ito sa Trece-Tanza Road Brgy San Agustin, Trece Martires City, Cavite at mistulang “inararo” ang nasabing mga sasakyan.

Nabatid na ang nasabing kalabaw ay galing sa Saluysoy at dadalhin sana sa slaughter house sa Trece Martires City nang nagwala at naputol ang tali nito. (Gene Adsuara)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID