WebClick Tracer

METRO

Pinoy pinalayas sa America, sinunog sarili

Ilang buwan matapos i-deport ng Amerika dahil sa kasong robbery, sinunog ng binata ang kanyang sarili nitong Sabado sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), alas-5:15 ng hapon nang sunugin ng 38-anyos na binata ang sarili sa isang parking lot sa Tomas Morato.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Alexiss Mace Jurado, ng CIDU, Mayo 22, 2022 nang ipa-deport sa Pilipinas ang biktima sa kasong armed robbery.

Noong September 18, 2022 ay naaresto ito nang ireklamo sa kasong physical injury at pansamantalang pinalaya nitong September 27, matapos makapagpiyansa.

Nitong October 1, nalaman na bumili ang biktima ng 5-liters plastic fuel tank sa Mr. DIY at 3.84 liters ng Xtra unleaded fuel mula sa Petron Gasoline Station.

Ilang minuto lang ang nakalipas, isang kostumer ng isang restaurant ang nakakita sa biktima na nagliliyab ang buong katawan sa parking lot. (Dolly B. Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID