WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Target makapasa sa LET, educ grad tsugi

Patay na nang matagpuan ang education graduate na babae matapos na magpaalam nitong Biyernes, na mag-aalay ng panalangin para sa nalalapit na Licensure Examinations for Professional Teachers (LET) pero hindi na ito nakauwi pa sa kanilang tahanan sa Danao City.

Ang biktimang si Maria Sofia Olaguir, na kamakailan lang ay nagtapos ng kursong education ay natagpuang patay sa masukal na bahagi ng Mt. Manghilao, Barangay Masaba,Linggo ng hatinggabi, Oktubre 2.

Ang bangkay ng biktima ay natuklasan mula nang i-report ng pamilya ang kanyang pagkawala.

Sa inisyal na ulat mula sa Danao City Police Station, nakitang wala nang buhay ang biktima ng kapatid na si Ignacio Blasco Manulat alas-12:50 ng madaling araw sa nasabing lugar.

Sinabi ng kanyang pamilya sa mga imbestigador na umalis ng bahay alas-sais ng umaga noong Biyernes (September 30) ang biktima papuntang Holy Cross sa Mt. Manghilao.

Plano umano ng biktima na magtirik ng kandila at manalangin para makapasa sa Licensure Examinations for Professional Teachers (LET) ngayong Oktubre 2.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pagkamatay ng biktima. (Dolly B. Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID