WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Totoy sinalpok ng tricycle sa toy car

SUGATAN ang 2-anyos na totoy matapos salpukin ng tricycle ang kanyang sinasakyang `toy car’ sa bayan ng Bontoc, Mountain Province kamakalawa.

Ayon sa Bontoc Police Station, ang biktima ay agad na nasaklolohan at nabigyan ng paunang lunas at agad na dinala sa ospital para sa medical treatment.

Sa report, ayon sa pulisya, kasalukuyan umanong naglalaro ang bata na binabantayan ng kanyang kamag-anak sa gilid ng kalsada nang bigla umanong banggain ng isang tricycle.

Samantala, ayon sa pulisya, pinag-aaralan ngayon ng kamag-anak ng biktima kung sasampahan nila ng kaso ang driver ng tricycle.

Nagpaalala naman ang otoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, at ang mga magulang na laging bantayan ang mga anak lalo kung nasa labas ng bahay. (Allan Bergonia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID