WebClick Tracer

SPORTS

Batino, Meralco kampeon

Pinigil ng Meralco ang ratsada ng J&T Express 19-14 para ikahon ang Leg 3 title ng PBA 3×3 First Conference Season 2 Linggo ng hapon sa Robinsons Place-Las Pinas.

Nagkasa ng 9-2 run ang Bolts para baligtarin ang 1-point deficit tungo sa 15-10 lead. Mula roon, hindi na nakaporma ang Express.

Nag-deliver si Alfred Batino ng 9 points, sinegundahan ni Leo de Vera ng 6 at ibinulsa ng Meralco ang P100K top prize.

Nagkasya sa P50K ang runner-up J&T nina Robin Rono, Keith Datu, Jeric Teng at Joseph Sedurifa.

Nakahirit ng P30K ang Cavitex Braves nina Jorey Napoles, Tzaddy Rangel, Dominick Fajardo at Bong Galanza nang ibaon ang TNT 21-13 sa battle for third. (Vladi Eduarte)

TELETABLOID