WebClick Tracer

NEWS

COVID sumisipa! Mga Pinoy pinagsuot ng face mask

Dapat pa rin magsuot ng face mask ang publiko dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 lalo pa ngayong pinayagan ang mga nakatayong pasahero sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research Group, umaasa siya na huhupa rin ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 subalit sa ngayon aniya mahalaga na tumulong din ang publiko laban sa pagkalat ng virus.

“That means being vigilant, that means considering wearing of the mask during times of high positivity,” sabi ni Rye sa panayam ng ANC.

Hinimok din niya ang mga pasahero na dapat palaging magsuot ng face mask sa lahat ng oras kapag nasa loob ng pampublikong transportasyon.

“We have public transportation where more people can come in. These are situations where we need to wear a mask,” giit ni Rye.

Nilinaw naman nito na hindi maaaring iugnay agad ang panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa pinaluwag na protocol sa face mask. (Dolly Cabreza)

TELETABLOID