WebClick Tracer

NEWS

Hirit ng mga negosyante: Balik-opisina para gumastos mga tao

Muling nanawagan si dating presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na ipagpaliban muna ang work-from-home dahil dahil mahalaga aniya ang huling quarter ng taon upang mapanatiling masigla ang ekonomiya.

Paliwanag niya, kailangang lumabas ng mga tao dahil kung hindi gagastos ang mga ito, may epekto sa ekonomiya.

“The fourth quarter of 2022 will be crucial for the country’s MSMEs (micro, small, and medium enterprises) in particular and the economy in general,” sabi ni Concepcion.

Ayon sa kanya, kailangang lumabas ang mga ito dahil kung hindi gagastos ang mga ito ay siguradong sapol ang pagbangon ng bansa mula sa pandemya.

“We need people going out. If people don’t spend, this will affect our economy. How will we attain the growth target that is needed to maintain our credit rating?” dagdag pa ni Concepcion. (Issa Santiago)

TELETABLOID