WebClick Tracer

SPORTS

Mark bida

Kasama sa mga nagpakitang gilas nitong Linggo si Mark Of Excellence nang mamamayagpag sa Mercury Freight Trophy Race sa Metro Turf sa Malvar/Tanauan, Batangas.

Nirendahan ni jockey Conrad Henson, naglista siya ng 1:24.8 sa 1,400-meter race para masilo ang premyong P20K.

Sumegundo si Namayan, tersero si Spandau Ballet at pumang-apat si Silab sa event na suportado ng Philracom (Philippine Racing Commission) sa pamumuno ni Chairman Aurelio De Leon.

Wagi rin si Don Julio ni FR Sevilla Jr. sa 2022 Philracom Klub Don Jun De Manila na nilargang Race 7. (Elech Dawa)

TELETABLOID